okay bihira na lang ako magblog lately. eh kasi naman busy busyhan. lagi ako nasa labas eh. kung hindi naman, natutulog lang. bwisit kse pasukan na naman, nakakatamad.pangalawang araw pa lang long test na agad at demo. so kamusta naman yun?! lecheng NCM 101! rawr. PATIENCE!! sabi ng friends ko kailangan ko ng maraming ganyan sa kinuha kong course. well, tama naman sila.
naiinis ako. sobra. bakit ba ang mga bagay na iniiwasan eh yun pang mga yun ang pilit lumalapit. tadhana nga naman, hilig mang asar. ayoko ng may malaman o marinig pa sa mga bagay na iniiwasan ko. please lang. pakawalan na sana ko. isa pa, kapag ayaw ng tao, wag ng pilitin, magmumukha ka lang tanga. diba? korak! narealize ko na lahat ng bagay. nakakabwisit lang dahil may mga oras na nagrereminisce pa ko sa past. laging may bagay na nagpapaalala. songs, place, lines, etc. oh diba? iniiwasan na nga eh. pilit pag sumasaksak sa utak. kabwisit. leche.
isa pang nakakainis sa araw ko, isang oras akong naghintay na tumila ang ulan at isang oras na naman naghintay para makasakay. paker talaga. tapos naka dalawang sakay pa ko at napakatrapik. peste talaga. buti na lang talaga nagka ipod na ko ulit. kung hindi lantang gulay na talaga ko kanina.
galing galing pinagalitan pa ko ng magulang ko. ang dami dami pang sinabi. hindi na raw ako kumakain. nagpapakamatay na daw ako. hindi naman sa hindi kumakain, pero konti lang talaga. anubeh. kaya nga diet eh. potres ang taba ko! di ba nila maintindihan yun. pati ba naman pagdidiet ko?! oo, alam ko nag aalala lang sila pero alam ko naman ginagawa ko eh. ah basta wala talagang makakapagpakain sakin ng kanin. period!!
so that's my day.. ganda ganda diba? paksyet.
Wednesday, June 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment